-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Mahalagang matutukan ang wastong nutrisyon ng bawat isa, lalo na ng mga kabataan, ngayong may pandemya. Ito ang isa sa mga tinalakay sa kulminasyon ng 48th Nutrition Month na may temang, “New Normal na nutrisyon; sama-samang gawan ng solusyon”.

Pinangunahan ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman ang kulminasyon, kasama si Kabacan Municipal Administrator Ben Guzman at Sangguniang Bayan Committee on Health, Sanitation and Nutrition Chairperson, Hon. Leah Saldivar.

Dumalo naman sa kulminasyon ang breastfeeding moms mula sa iba’t-ibang lugar ng Kabacan, kasama ang mga Barangay Nutrition Scholar, Day Care Workers at iba pang volunteers.

Nagkaroon din ng slogan-making at cooking contest at maging, zumba.