BACOLOD CITY – Pumapatok ngayon ang online barter na sinimulan ng Bacolod City kung saan laking tulong umano ito lalo na sa mga “no work no pay” at walang natirang pera matapos ang ipinatupad na enhanced community quarantine.
Sa pamamagitan ng Bacolod Barter Community ay puwedeng ipagpalit ang mga bagay na hindi na ginagamit sa pagkain o bagay na kailangan.
Marami na ring may mga cancer o dina-dialysis, mga estudyanteng kailangan ng cellphone o laptop para sa online class at iba pang mga salat sa buhay ang natulongan sa pamamagitan lamang nag pakikipag barter.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Atty. Jocelle Batapa Sigue, creator ng Bacolod Barter Community, hindi umano niya akalaing dadami ang kakagat sa pakikipag-barter na sinimulan lamang niya dahil sa hirap makabili ng saktong kailangan lalo na pag nagpapabili siya sa kanyang mister.
Sa ngayon ay maging ibang lungsod ay nagkaroon na din ng barter community tulad ng Iloilo, Roxas, Bohol, Davao at sa ibang bansa.