-- Advertisements --
Nakakaranas na ng matiding pagbaha ang ilang bahagi ng New Orleans ilang araw bago ang landfall ng Hurricane Barry.
Ang nasabing hurricane Barry ay sinag unang tropical storm na tatama sa US ngayong taon.
Base sa taya ng National Hurrciane Center na lumalakas ang nasabing hurricane Barry habang ito ay nasa Gulf of Mexico at mas lalong lalakas pagdating ng Sabado o Linggo kung saan ito ay magla-landfall.
Nagpalabas na ng babala si Louisiana Governor John Bel Edwards sa kaniyang mga mamamayan na magsagawa na ng paglilikas.
Inilagay na rin nito sa state of emergency ang nasabing estado dahil sa inaasahang malawakang pagbaha at pag-ulan.
Inihanda na rin ng opisyal ang kanilang mga rescue teams bago ang pagdating ng nasabing tropical storm.