Isang medic ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Aurora ang sumuko sa mga awtoridad habang binawi ng 200 tagasuporta ng kilusang komunista ang kanilang suporta sa mga rebelde na inihayag ng Philippine Army (PA).
Ayon sa pahayag ng Philippine Army (PA), ang sumuko na kinilalang si “Ka Balong” ay miyembro ng “Guerrilla Field Committee” ng New People’s Army (NPA) Sierra Madre Tarlac-Zambales, ay nag-turn over din ng isang M-16 automatic rifle at isang M-14 assault rifle
Kusang-loob niyang isinuko ang kanyang sarili sa punong tanggapan ng 91st Infantry Battalion sa Camp Jaime Bitong Jr., Baler sa Aurora.
Dagdag dito, ang unit ay isa sa mga field formation ng 7th Infantry Division na nakabase sa Fort Magsaysay.
Samantala, 200 tagasuporta naman ng New People’s Army ang tumalikod sa kanilang suporta at pagiging kasapi sa kilusang komunista sa Maragondon, Cavite at nangako ng katapatan sa gobyerno.
Pinadali ng 2nd Civil-Military Operations Battalion ang pag-withdraw ng suporta at membership ng mga supporter na ito na kaanib umano ng grupong Gabriela at Anakbayan Patungan Chapter.
Liban nito, tinulungan din ng Maragondon Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang Cavite Police para maisagawa ang nasabing kaganapan.
Una rito, natapos ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng paglagda ng isang kasunduan sa kapayapaan at pagsunog ng mga watawat ng New People’s Army (NPA).