Nagdeklara ang Israel partikular na ang Defense Minister nito ng ‘new phase of war’ kasabay ng pagpokus ng kanilang pwersa sa norte, malapit sa border nito sa Lebanon.
Ito ay matapos ang 2 magkasunod na pagpapasabog sa mga pager at walkie talkie na ginagamit ng mga miyembro ng militanteng grupong Hezbollah sa Lebanon nitong Miyerkules na kumitil na sa 22 katao at ikinasugat ng libu-libong indibidwal.
Ang Israel ang inakusahan ng grupong nasa likod ng mga pagpapasabog subalit wala pang inilalabas na pahayag ang panig ng Israel sa naturang akusasyon.
Una rito, ang Hezbollah at Israel ay ilang dekada ng may conflict subalit mas tumindi pa ang palitan ng pag-atake sa kanilang cross-border simula noong Oktubre ng nakalipas na taon nang sumiklab ang giyera sa Gaza kasunod ng sorpresang pag-atake ng kanilang kaalyado na Hamas laban sa Israel.