-- Advertisements --

Inaprubahan sa House of Representative sa final reading ang House Bill 9389 o ang “New Philippine Nursing Practice Act”.

Nakakuha ito ng boto na 213 at walang komontra o nag-abstain.

Dahil dito ay nakatakdang ipasa ang nasabing panukalang batas sa Senado.

Ang nasabing panukalang batas ay para mas lalong maprotektahan ang mga nursing profession sa bansa.

Kapag naisabatas na ito ay magpapawalang bisa ito sa Philippine Nursing Act of 2002.

Mabibigyan ng pagkakataon ang Board of Nursing ng lakas sa decision-making process at kailangan pa ng karagdagang educational requirements para sa mga nurses sa iba’t ibang level ng kasanayan.