-- Advertisements --

Inanunsiyo ng leader ng New South Wales state sa Australia ang kaniyang pagbibitiw bilang premier kasunod ng imbestigasyon ng Independent Commission Against Corruption sa isyu ng corruption.

Sa press conference, sinabi ni NSW Premiere Gladys Berejiklian na magiging epektibo ang kaniyang resignation sa oras na makapagtalaga na ng bagong leader ang Liberal Party ng estado.

Sa kabila nito, mariing itinanggi ng opisyal ang alegasyon laban sa kaniya.

Umani pa ng samu’t saring kritisismo ang imbestigasyon kay Berejiklian bunsod ng pamamahala ng kaniyang administrasyon sa covid19 crisis sa New South Wales.

Subalit base kay Australian Prime Minister Scott Morrison na miyembro din ng conservative Liberal Party at malapit na kaibigan ng opisyal na kaniyang inilarawan bilang isang indibidwal na may mataas na integridad at nagpamalas aniya ng mga herois qualities bilang isang lider.