-- Advertisements --
QATAR arena FIFA BTS

Handa na raw ang k-pop group na Bangtan Boys o mas kilala bilang BTS matapos nilang i-release ang bagong bersyon ng kanilang kanta na pinamagatang “Yet to Come” para sa World Cup 2022 na gaganapin sa Qatar.

Ang awiting ito daw ay para sa kanilang fans na Army at para sa buong mundo na lalahok sa biggest sporting event sa mundo.

Ipinakita sa music video ang pagyayakapan ng k-pop group habang kanilang kinakanta ang parteng “The greatest moment is yet to come.”

Sa ngayon, ang BTS ay nasa kanilang break para ipagtuloy ang kanilang mga solo careers. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinan)