Milyun milyong mga Chinese ngayon ang dismayado dahil apektado na ang kanilang selebrasyon ng Chinese new year.
Mismong ang siyudad ng Wuhan sa China na tinaguriang ground zero na unang lumutang na bagong virus ay pansamantala munang isinara ang kanilang mga airport at railway stations para sa mga papaalis na mga pasahero.
Una nang iniutos ng mga transport authorities ang pag-shut down sa ilang main highways.
Liban dito, ang lahat ng mga public transport services sa lungsod na may 11 milyong katao ay sinuspinde rin.
Itinuring na rin na mandatory sa lahat ng pampublikong lugar sa Wuhan tulad na lamang ng mga hotels, restaurants, mga parke, cafes at shopping malls ay dapat magsuot ang mga tao ng face masks.
Nito gabi balak na rin ng mga otoridad sa China na limitahan na rin ang pagbiyahe ng mga residente ng siyudad ng Huanggang na may popolasyon na seven million.
Ang layo ng Huanggang ay 30 milya lamang mula sa east ng Wuhan.
Sunod na ring ipapa-shut down ang mga train stations sa kalapit ding siyudad na Ezhou na meron namang isang milyon ang popolasyon.
Ang Wuhan City ay isang commercial center na nahahati ng sikat na Yangtze at Han rivers.
Tampok sa lungsod ang magagandang lakes at mga parke.