Kinansela ng mga aktibista ng Myanmar ang pagsagawa ng traditional new year festivities bagkus nagsagawa sila ng silent protests.
Nananatili pa rin ang galit ng mga residente sa ipinatupad na kudeta ng militar mula noong Pebrero 1.
Partikular na kinansela ng bansa ang five-day New Year holiday na tinatawag na Thingyan kung saan ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng panalangin, ritual na paglilinis ng mga image ng Buddha sa mga temple at iba pa.
Wala na umanong gana ang mamamayan ng Myanmar na ipagdiwang ito matapos umakyat na sa 700 ang napatay ng military junta.
Isinagawa ang silent protests sa ilang lungsod ng Myanmar bitbit ang karatula na “SAVE MYANMAR.”
Napag-alaman na ito na ang ikalawang pagkakataon na ikinansela ang nasabing pagdiriwang matapos magsimula ang novel coronavirus disease noong nakaraang taon.