Nakatuon sa mga hamon ng buhay, pagsubok at paninindigan ang mensahe ni Vice President Sara Duterte para sa pagtatapos ng 2024.
Pero nakasentro naman sa pananalig sa Diyos, pagtutulungan at pagpapabuti ng pamilya ang tema ng kaniyang hamon para sa 2025.
Nagpasalamat din siya sa mga patuloy na nagmamahal sa bayan, nagsusumikap at nagtitiyaga para sa magandang kinabukasan.
Narito ang mensahe ni VP Sara Duterte:
Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan!
Magandang araw sa inyong lahat.
Sa ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo, ako ay nakikiisa sa inyong maligayang pagsalubong ng Bagong Taon.
Ang taong 2024 ay sumubok sa ating katatagan at humulma sa atin bilang isang sambayanang naninindigan para sa katarungan at kaunlaran.
Ngayong 2025, sama-sama nating harapin ang iba’t ibang hamon na magpapatibay sa atin bilang isang bansang patuloy na nananalig sa Diyos at nagtutulungan para sa ikauunlad at ikabubuti ng ating pamilya.
Sa ating pagsalubong sa Bagong Taon, ako ay nagpapasalamat sa inyong walang-sawang pagmamahal sa bayan na ipinamalas ninyo sa inyong pagsusumikap, pagtitiis, at pagtitiyagang magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
Magpabilin ako nga nahiusa kaninyo sa inyong mga pangandoy alang sa kauswagan ug kalinaw. Atong atubangon ang bag-ong tuig uban ang paglaom nga ang tanan natong mga kalisod ug mga paningkamot sa ngadto-ngadto, makahatag og positibong kausaban.
_(Mananatili akong kaisa ninyo sa inyong mga pangarap para sa kaunlaran at kapayapaan. Salubungin natin ang Bagong Taon kaakibat ang pag-asa sa likod ng mga pagsubok at pagsusumikap na makakapagbigay ng positibong pagbabago.)_
Ang lahat ay para sa Diyos, sa bayan, at sa bawat pamilyang Pilipino.
Happy New Year sa inyong lahat!
Shukran.