-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Inaabangan na ng libo-libong mga turista ang taunang pagsasagawa ng New Year’s Eve fireworks display sa isla ng Boracay.

Kinumpirma ni Malay tourism officer Felix delos Santos na nasa sampung mga hotels at malalaking kompaniya sa Boracay ang nabigyan ng permiso upang makasagawa ng fireworks displays.

Una rito, nakipagpulong sila sa technical working group sa pangunguna ni Malay Mayor Frolibar Bautista upang mabigyan ng kaukulang seguridad at kaligtasan ang mga manonood at mga participants.

Kaugnay nito, may inilatag na mga restrictions kung saan, ang fireworks displays ay dapat nasa 100 meters mula sa coastline at gumamit lamang ng mga fireworks na pinayagan ng Philippine National Police gayundin linisin kaagad ang mga kalat pagkatapos ng fireworks display.

Maalalang ang New Year’s Eve fireworks display bawat taon hay humahakot ng mas maraming turista sa isla.

Sa kabilang dako, kaliwa’t kanan ang mga pulis at iba pang law enforcement agencies na nakabantay sa Caticlan at Cagban ports para sa seguridad at kaligtasan ng lahat na bakasyunista.