Ikinokonsidera ni US President Donald Trump ang pagsasailalim sa New York at iba pang mga kalapit na estado sa “two-week short-term” quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.
Ayon kay Trump, maliban sa New York, posible ring isama ang mga estado ng New Jersey at ilang bahagi ng Connecticut, na ilan sa mga itinuturing na outbreak hotspots.
Aniya, maaaring lumabas ang desisyon ukol sa nasabing paksa anumang oras ngayong araw.
Gayunman, sinabi ni New York Governor Andrew Cuomo na wala raw silang napag-usapan ni Trump ukol sa quarantine.
“I didn’t speak to him about any quarantine,” wika ni Cuomo matapos ang kanyang phone call kay Trump.
“I haven’t had those conversations,” dagdag nito. “I don’t even know what that means.”
Sa pinakahuling datos, pumalo na sa 111,980 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavorus sa US, at umakyat na rin sa 1,858 ang death toll. (CNN/ BBC)