-- Advertisements --

Inanunsiyo ng gobernador ng New York at Massachusetts na kanila ng tatanggalin ang pagsusuot ng face mask.

Sinabi ni New York Gov. Kathy Hochul na maari lamang tanggalin ang pagsusuot ng face mask kapag ang indibidwal ay naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.

Bumaba na rin aniya ang kaso ng mga COVID-19 sa nasabing estado kaya kabilang na sila sa dumaraming estado sa US na nagluluwag na ng COVID-19 restrictions.

Ayon naman kay Massachusetts Governor Charlie Baker na simula sa Pebrero 28 ay hindi pagsusuotin ng face mask ang mga guro at mag-aaral.

Magiging mandatory lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga state-regulated healthcare at correctional facilities.