BUTUAN CITY – Business as usual pa rin ang New York City sa kabila ng lumalaking pro-Palestinian protests ng mga estudyante ng Columbia University at ng City College of New York na ni-raid na ng mga pulis.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Annjo Moste Balbutin direkta mula sa Manhattan, New York kungsaan siya nagtuturo, na hindi sila apektado sa nasabing mga lihok protesta.
Nais lamang umano ng mga estudyante na hayagang kondenahin ng United States government ang patuloy na pang-aatake ng Israel sa mga Palestino sa Gaza Strip at hindi ang patuloy na pagsuporta sa Israel sa kabila ng mga nadiskubreng mass graves.
Nilinaw pa ni Balbutin na iba’t ibang mga rasa ang nagprotestang mga estudyante dahil hindi lamang sila mga Palestino o kaya’y mga Muslim.
Rumesponde na umano ang mga pulis ng hindi na makayanan pa ng mga university security forces ang lumalaking rali lalo na’t nang gumawa na ang mga estudyante ng criminal acts gaya sa pagpasok sa isang building.