KORONADAL CITY – Bigating mga gang members at mafia ang ititunuturong nasa likod sa kabi-kabilang serye ng pamamril sa New York.
Ito ang inhayag ni Jelin Dohina Asamoah , Bombo International Correspondent to US sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Ms.Jelin , halos lahat umano ng mga serye nga pamamaril ay kagagawan ng ilang mga gangs na tinuturing lawless group sa US.
Dagdag pa nito ang grupong Trinitarios, na binubuo ng mga Latinos ,ang isa sa mga gangs na responsable sa mga pamamaril kung saan target ng mga ito ang ilang kalabang gang sa lugar para masiguro ang kanilang teritoryo.
Pahayag pa ni Ms.Jelin, sa kabila ng mahigpit na ipinapatupad na gun control sa mga Estado ng US ni US President Joe Biden, marami pa rin ang mga gangs na nagpupuslit ng ilang matatAas na kalibre ng baril dahil marami silang sangay na matataas na opisyal sa gobyerno na kasapi rin ng nasabing grupo.