-- Advertisements --

Nadiin sa limang federal charges si New York City Mayor Eric Adams.

Ayon sa 57-pahina ng kaso ay nasasangkot siya sa bribery, wire fraud at pagsolicit ng mga campaign contributions mula sa mga foreign nationals.

Nagbunsod ang reklamo sa ilang buwang pag-aaral ng US Attorney’s Office sa Manhattan na inuugnay siya sa mga opisyal ng Turkey at negosyante na nagbigay ng mga donasyon noong kampanya.

Mariing itinanggi naman ni Adams ang nasabing alegasyon at sinabing ito ay pawang mga kasinungalingan.

Si Adams na dating police captain ng NYPD ay naging alkalde noong Enero 2022.