-- Advertisements --
Idineklara ni New York Mayor Bill de Blasio ang public health emergency dahil sa outbreak ng tigdas.
Pinayuhan niya ang kaniyang mga kababayan na magpabakuna.
Ang hindi magpapabakuna aniya ay papatawan nila ng karampatang multa.
Sinabi ni New York health commissioner Oxiris Barbot na mayroong 285 na kaso ng tigdas ang kanilang naitala mula pa noong Setyembre 30 kung saan karamihan dito ay mga bata.
Sa nasabing bilang ay mayroong 21 katao ang itinakbo sa pagamutan habang limang bata ang nasa intensive care unit.
Ayon naman sa alkalde na dapat seryosohin ng kaniyang kababayan ang nasabing usapin.
Dagdag pa nito na dapat sa loob ng 48 oras matapos na ilabas ang kautusan.