-- Advertisements --
Nakaranas ng literal na white Christmas ang mga taga-New York City.
Ito ang unang pagkakataon na naranasan matapos ang mahigit 15 taon.
Itinuturing kasi ng National Weather Service na white Christmas kapag mayroong mahigit 1 pulgada o higit pa na mga yelo na bumagsak ng bago mag-ala 7 ng umaga.
Ang mga yelo kasi na bumagsak sa New York City ay hindi natunaw ng magdamag.
Naitala ang mahigit 1 pulgadang yelo ang bumalot sa buong Central Park.
Huling nakaranas ng white Christmas ang New York ay noong 2009 ng magtala ng mahigit 2 pulgadang kapal ng yelo.
Bukod sa New York ay nakakaranas din ng white Christmas ang Boston na nagtala ng mahigit apat na pulgadang kapal ng yelo.