-- Advertisements --

Pinutol ng organizer concert sa New York City dahil sa banta ng Hurricane Henri.
Ang nasabing “Homecoming” concert ay isingawa bilang pagdiriwang sa paglaban sa COVID-19.

Kasagsagang kumakanta ang beteranong singer na si Barry Manilow ng i-anunsyo sa mga tao na dapat na sila ay umalis na dahil sa banta ng hurricane.

Ilan sa mga nakatakda sanang magtanghal ay sina Bruce Springsteen, Patti Smith at Paul Simon.

Walang nagawa ang mga nasa 6,000 katao sa Central Park na umalis na lamang para sa kanilang kaligtasan.