-- Advertisements --

Ibinasura ng Court of Appeals sa New York ang hirit ng kampo ni US President-elect Donald Trump na ipagpaliban ang paghatol sa kaniya sa hush money case.

Sa sulat mula sa Court of Appeals, na inabisuhan na ni Judge Jenny Rivera ang abogado ni Trump.

Una na ring humirit si Trump sa Supreme Court na kung maaari ay harangin ang paghahatol sa kaniya.

Inaasahan na dadalo si Trump sa virtual hearing sa araw ng Biyernes.

Nagbunsod ang kaso dahil sa pamemeke umano ni Trump ng knaiyang business record at nagbayad ng adult actress para manahimik at ng hindi makasira sa kaniyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 2016.