-- Advertisements --
Hinimok ni US President Joe Biden si Democratic New York Gov. Andrew Cuomo na magbitiw sa puwesto kapag mapatunayan na guilty ito sa reklamong sexual harrassment laban sa kaniya.
Ayon kay Biden tama lang na mag-resign si Cuomo at kailangang seryosohin ang pagsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa nasabing akusasyon.
Aniya, walang babae ang gagawa ng alegasyon tungkol sa sexual harrassment kung walang katotohanan.
Ginawa ng pangulo ang nasabing pahayag matapos ilang kababaihan ang gumawa ng paratang na sexual harrassment laban sa gobernador ng New York.