-- Advertisements --
Nagmatigas si New York Governor Andrew Cuomo na hindi ito bababa sa puwesto kahit na dumarami ang nananawagan ng kaniyang pagbibitiw dahil sa sexual harassment na kaniyang kinakaharap.
Nanawagan na lamang ito sa kaniyang kababayan na hintayin na lamang isinasagawang imbestigasyon.
Nanindigan ang 63-anyos na opisyal na hindi niya gawain na mambastos sa mga kababaihan.
Inamin nito na ang nangyari noon ay hindi sinasadya at labis itong humihingi ng kapatawaran.
Magugunitang dalawang babae na dating naging empleyado ng three-term governor ang lumantad na sila umano ay inabusong sexual.