-- Advertisements --

Pinapaimbestiga na ni New York Governor Andrew Cuomo ang naganap na charity concert dahil sa pagbalewala sa physical distancing.

Ang concert na tinawag na “Safe & Sound” ay naganap nitong Sabado sa Hamptons at isang uri ng “drive-in music experience”.

Kumalat sa social media ang video sa concert kung saan lumabas ang mga tao sa kanilang mga sasakyan at nagkakatabi.

Ayon kay Cuomo na hindi nila kinokonsinti ang nasabing gawain.

Labis naman ang pagkabahala ni Dr Howard A. Zucker, health minister commissioner ng New York dahil sa nasabing paglabag.

Sinulatan na ni Zucker ang supervisor sa bayan ng Southampton kung saan naganap ang concert.

Maraming mga concert goers naman ang nagsabi na ligtas sila sa nasabing concert.

Ilan sa mga nagtanghal sa concert ay ang Chainsmokers, Goldman Sachs, David M. Solomon, DJ D-Sol at maraming iba pa.