-- Advertisements --

Mariing pinabulaan ni New York Governor Andrew Cuomo ang alegasyon ng pang-aabuso niya sa ilang mga kababaihan.

Kasunod ito sa ginagawang imbestigasyon ni Attorney General Letitia James.

Sinabi ni James na minolestiya ng Democratic governor ang dati at kasalukuyang empleyado ng gobyerno.

Bukod pa sa mga babae na hindi empleyado ng gobyerno.

Aabot sa kabuuang 11 mga kababaihan ang lumantad na sila ay ginahasa ni Cuomo.

May nakausap aniya ang Attorney General ag 179 indibidwal na nagsilbing witness kung saan kaniyang pinag-aaralan ang 74,000 piraso ng mga ebidensiya.