-- Advertisements --

Binalaan ng judge sa New York si movie producer Harvey Weinstein na siya ay ikukulong dahil sa paggamit ng cellphone habang isinasagawa ang pagdinig sa kaso nito.

Ayon kay Judge James Burke, na bago pa lamang magsimula ang pagdinig ay walang humpay na gumagamit ng kaniyang cellphone si Weinstein.

Dahil dito ay pinagsabihan na niya ang abogado nito na si Arthur Aidala tungkol sa pagtawag at pagpapadala ng text message ni Weinstein.

Agad namang humingi ng paumanhin si Weinstein sa ginawa nito at sinabing hindi niya alam na pinagbabawal pala ang paggamit ng nasabing cellphone.

Isinagawa kasi doon ang pagdinig sa kasong sexual assault ng movie producer matapos na ireklamo ito ng dalawang babae noon pang 2013.