-- Advertisements --
Nakatakdang ilabas ng New York judge sa hush-money case ni US President-elect Donald Trump ang kaniyang hatol sa susunod na linggo.
Ayon kay New York Judge Juan Merchan, na ang maaring mahatulan si Trump ng conditional discharge kung saan maaaring ang kaso ay maibasura ng walang pagkakakulong, multa o probation para makadalo ng personal o virtual para sa pagdinig.
Nagbunsod ang kaso sa pagkaka-convict kay Trump noong Mayo ng 34 felony counts ng pamemeke ng business records na may kaugnayan sa pagbabayad niya ng $130,000 kay adult film star Stormy Daniels.
Una ng tinangka ni Trump ang pagkapanalo nito sa halalan para maibasura ang kaso laban sa kaniya.