Lalo pang lumakas ang opensa ng New York Knicks para sa susunod na season matapos nitong kunin si Landry Shamet, isang 3-point shooter na na-draft noong 2018.
Si Shamet ay pinili ng Philadelphie 76ers sa naturang draft ngunit agad din siyang na-trade sa Los Angeles Clippers matapos ang ilang buwan.
Hindi rin siya nagtagal sa Clippers at napunta sa iba pang mga team sa NBA tulad ng Brooklyn Nets, Phoenix Suns, at Washington Wizards.
Ang Knicks na ang pang-anim na team ni Shamet sa loob lamang ng anim na taon niyang paglalaro sa liga.
Kabilang siya sa mga tinatawag na elite shooter sa NBA sa kasalukuyan kung saan sa loob ng anim na taong paglalaro ay nagawa niyang ipasok ang 38.4% sa kanyang mga attempted shots.
Posibleng gamitin si Shamet bilang back up guard sa susunod na season bilang kahalili ng mga kapwa niya shooter na sina Donte DiVicenzo at Jalen Brunson.
Bago kay Shamet, dati nang nakuha ng Knicks ang ilan pang magagaling na player nitong nakalipas na offseason na kinabibilangan nina ironman Mikal Bridges at Cameron Payne.