-- Advertisements --
image 111

Muling ipinamalas ng New York Knicks ang kanilang matibay na depensa matapos nilang talunin at ipahiya ang katunggaling Orlando Magic sa score na 102-98 sa katatapos pa lamang na laban ngayong araw.

Tumipa ang 28 year old power forward na si Julius Randle ng kabuuang 22 points ,14 rebounds at 6 assist na naging dahilan upang maungusan nila ang Magic.

Umalalay kay Randle ang power forward na si Jalen Brunson at umiskor ito ng 25 point, 2 rebounds at 5 assist.

Sinubukan naman na buhatin ng 24 year old point guard na si Markelle Fultz ang kaniyang team na Magic ngunit bigo itong basagin ang sementadong depensa ng Knicks.

Nanguna ang Orlando Magic sa una at pangalawang quarter habang bumawi naman ang New York Knicks sa ikatlo at ika-apat na quarter.

Gitgitan ang naging laban sa mga huling minuto ng laro ngunit nagawa pa ring ipanalo ang Knicks ang game 2 match nito.

Ang nasabing laban ay ginanap sa Amway Center Arena at ito ay sinaksihan ng aabot sa 19,000 na NBA fans