-- Advertisements --

Inanunsiyo ni New York City Mayor Bill de Blasio na magpapamigay ito ng $100 bilang insentibo sa mga mamamayan nito na magpapaturok na ng COVID-19 booster shots.

Nagsimula nitong Disyembre 21 at magtatapos ito ng hanggang Disyembre 31 ang nasabing insentibo.

Nais ng alkalde na makita ang magiging reaksyon ng mga tao sa nasabing programa.

Magugunitang patuloy ang panghihikayat ng US Government sa kanilang mga mamamayan na magpabakuna dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant.