-- Advertisements --
Nakadeklara ngayon ang “state of emergency” ang New York City dahil sa malawakang pag-ulan.
Dahil sa malawakang pag-ulan ay nabaha ang ilang bahagi ng Brooklyn at Manhattan.
Mismong si New York Governor Kathy Hochul ang nagdeklara ng state of emergency kung saan binaha na ang mga kalsada at mga subways.
Nagbabala pa ang National Weather Services na magtutuloy-tuloy pa ang nasabing pag-ulan ng ilang araw.