Naasar na ang mayor ng New York sa hindi pagsunod ng maraming residente at turista sa lungsod kaya pinahigpitan na rin ang patakaran sa social distancing measures.
Ayon kay Mayor Bill de Blasio sinuman ang mga New York City residents na makitang lalabag sa social distancing policies ay ipapatawag o kaya papatawan ng multa mula sa $250 hanggang sa $500.
Sinabi pa ng mayor, marami pa rin kasing matitigas ang ulo na ayaw sumunod kaya ipapatupad na nila ang mabigat na parusa.
“we’re going to have to fine you. We’re going to give people every chance to listen and if anyone doesn’t listen then they deserve a fine at this point,” ani De Blasio.
Ang estado ng New York ang binansagan din ngayon sa Amerika na epicenter dahil sa paglobo pa ng bilang ng mga namamatay at mga kaso ng COVID-19.
Sinabi naman ni New York Gov. Andrew Cuomo na bukas baka umabot na sa 1,000 ang death toll sa kanilang estado.