-- Advertisements --
Nagpasya ang New Zealand na itigil na ang kanilang zero-COViD strategy.
Sinabi ni Prime Minister Jancinda Arden na sa unang bahagi ng pandemya ay nalabanan na nila subalit dahil sa pagkakaroon ng Delta variant ay mahirap ng tuluyan na itong masawata.
Hindi rin aniya naging solusyon ang matagal restriction dahil hindi napapababa ang kaso ng virus.
Dahil dito ay matututo na lamang ang mga mamamayan nila na mabuhay na lamang habang mayroong virus.
Nasa 49% ng populasyon ng bansa ang fully vaccinated na at 79% naman ang nakatanggap na ng kanilang first dose.
Ang New Zealand ang itinuturing na pinakahuling bansa na nag-abandona sa tuluyang pagsawata ng Delta variant.