-- Advertisements --
Magpapatupad ng snap lockdown ang New Zealand matapos na isang lalaki ang nagpositibo sa COVID-19.
Ito ang unang kaso ng COVID-19 na naitala sa matapos ang anim na buwan.
Ang kaso ay naitala sa Auckland kaya ipapatupad doon ang isang linggong lockdown.
Magkakaroon nman ng tatlong araw na lockdown ang buong bansa.
Inaalam pang mabuti ng mga otoridad kung ang nasabing bagong kaso ay Delta variant.
Nasa 20% lamang kasi sa bansa ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Mula Miyerkules Agosto 18 ang simula ng lockdown.
Sinabi naman ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardem na kinailangan nilang ipatupad ang level 4 na lockdown kung saan sarado ang mga paaralan at establishemento.
Tanging papayagan lamang na buksan ay mga essential goods.