Napili ng New Zealand na isabak sa Tokyo Olympics si weightlifter Laurel Hubbard.
Siya ang magiging kauna-unahang transgender na sasabak sa women’s event ng super-heavyweight 87+ kg. category.
Ang kaniyang pagsali ay naisakatuparan matapos ang pagsali nito sa iba’t-ibang qualifying tournaments noong Mayo.
Ang 43-anyos na siyang tinagurian ding pinakamatandang lifter ay sumali na rin sa men’s weightlifting competitions bago magpalit ng kasarian noong 2013.
Itinuturing naman ni New Zealand Olympic Committee (NZOC) chief Kereyn Smith na makasaysayan ang pagsali ni Hubbard para sa kanilang bansa dahihl siya ang unang olympian ng bansa na nagpalit mula lalaki ay naging babae.
Hindi lamang si Hubbard ang transgender na sasabak sa Olympics dahil ang US ay mayroong atleta rin na transgender sa pamamagitan ni BMX rider Chelsea Wolfe.