-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng New Zealand na muli na naman nilang natalo ang coronavirus.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtanggal na nila ng ipinatupad na restrictions sa Auckland matapo sang 10 araw at wala ng naitalang bago pang kaso.
Dahil dito ay papayagan na ng goyberno ang mga pagtitipon, pagtungo sa mga pampublikong lugar, hindi pagsuot ng face mask at kahit hindi na pag-obserba ng social distancing.
Sinabi ni Prime Minister Jacinda Ardern na dahil sa ginawa nilang paghigpit ay kaya napaaga ang pagbubukas ng ekonomiya ng kanilang bansa.
Magugunitang noong Mayo ng unang magtagumpay ang nasabing bansa matapos ang pagpatupad ng lockdown at wala ng naitalang bagong kaso pa.