Nabawi ng New Zealand mula sa France ang titulong may pinakamalaking mass Haka.
Isinagawa nila ang traditional Maori war dance sa Eden Park ang kilalang stadium kung saan ang national rugby team na All Blacks ay nananatiling walang katalo-talo mula pa noong 1994.
Umabot sa 6,500 na mga katao ang lumahok sa nasabing cermonial war dance na nahigitan ang 4,028 na ginawa ng France noong 2014.
Sinabi ni Nick Sautner ang Chief Executive ng Eden Park na hindi lamang ang bilang ng mga sumali at sa halip ay ang pagkilala sa cultural legacy.
Ang nasabing bilang ay kinumpirma ng mga opisyal ng Guinness World Records.
Lumahok din ang ilang mga celebrities gaya nina American TV host Conan O’Brien, New Zealand director Taika Waititi at former boxer David Tua.