-- Advertisements --

Nagbigay ng mahigit P64-milyong tulong ang New Zealand para sa COVID-19 assistance sa Pilipinas, partikular sa mga itinuturing na vulnerable communities sa Mindanao.

Ipinaabot ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr ang pasasalamat ng Pilipinas sa suporta ng New Zealand sa COVID-19 response ng bansa sa naging pulong nito kay New Zealand Ambassador Peter Francis Tavita Kell.

“The Secretary conveyed his appreciation for New Zealand’s COVID-19 assistance of NZD 2 million (P64,259,000) prioritizing vulnerable communities in Mindanao, channeled through the International Organization for Migration (IOM),” saad ng DFA.

Sa pahayag ng DFA, sinabi ni Kell na handa raw ang New Zealand na umalalay sa ginagawang mga hakbang ng gobyerno ng Pilipinas upang mapigilan ang pandemic crisis.

Nagpasalamat din si Kell sa DFA at sa iba pang mga ahensya ng gobyerno sa pangangasiwa sa repatriation ng mahigit sa 500 New Zealand nationals mula noong Marso.

Sa nasabi ring pulong natalakay nina Locsin at Kell ang “cooperation priorities” at iba pang isyung may kahalagahan sa Maynila at Wellington.

“Both sides reaffirmed their governments’ commitment to further elevating overall ties and cooperation,” dagdag nito.