-- Advertisements --

Naglunsad imbestigasyon ang New Zealand laban sa hackers na umatake sa kanilang financial markets sa ikaapat na magkakasunod na araw.

Sinabi ni Finance minister Grant Robertson, inatasan n niya si Government Communications Security Bureau (GCSB) para tulungan ang New Zealand Exchange (NZX).

Activated na rin aniya ng kanilang National Security System at lahat ng mga government agencies.

Hindi pa malinaw sa ngayon ang naging motibo sa nasabing cyberattack.

Miyembro kasi ang New Zealand sa Five Eyes Intelligence alliance na kinabibilangan ng US, Britain, Australia at Canada.