-- Advertisements --
Nagpadala na ang New Zealand ng kanilang eroplano para ma-assess ang damyos ng malawak na pagsabog ng bulkan na nagdulot ng tsunami sa Tonga.
Nagdulot ng malawakang kawalan ng kuryente at komunikasyon ang nasabing pagsabog ng bulkan.
Ayon sa International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies (IFRC) na nasa mahigit 80,000 katao ang naapektuhan.
Sinabi naman ng New Zealand na kanilang titignan ang naging resulta ng pagsabog ng bulkan.