-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang ginagawang pagtukoy ng New Zealand sa pinagmulan ng Delta variant sa kanilang bansa.

Sinabi ni New Zealand’s Director-General of Health Ashley Bloomfield na posibleng lumubo pa ang nasabing bilang ng kaso kaya doble kayod sila para agad na matukoy ang ilang nakasalamuha ng indibidwal na nagpositibo sa virus.

Nauna ng inilagay sa tatlong lockdown ang nasabing bansa matapos na magatala ng isang kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Sinasabing galing sa Australia ang lalaki na umuwi sa New Zealand na nagpositibo sa COVID-19.