Nanalo para sa kanyang ikalawang termino si New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern matapos makuha ang mayorya ng mga boto sa general elections ng bansa.
Batay sa preliminary results, nakatipon ng 49.1% ang partido ni Ardern na Labour Party, na inaasahang makukuha din ang 64 seats sa 120-seat assembly.
Sinasabing ito na ang pinakamataas na resulta na nakamit ng alinmang partido mula nang ipatupad ang kasalukuyang sistemang politikal noong 1996.
“Tonight, New Zealand has shown the Labour Party its greatest support in at least 50 years,” wika ni Ardern sa kanyang victory speech. “And I can promise you: we will be a party that governs for every New Zealander.”
Ang oposisyon namang National Party ay mayroon lamang 26.8%, o sinasabing katumbas lamang ng 35 seats.
Orihinal na nakatakda ang halalan sa Setyembre, ngunit ipinagpaliban ng isang buwan dahil sa bagong COVID-19 outbreak. (BBC/ CNN)