-- Advertisements --
Kinumpirma ni Police spokesman Ruwan Gunasekera na pumalo na sa 290 ang nasawi at halos 500 katao naman ang sugatan dahil sa pagpapasabog sa ilang simbahan at hotel sa Sri Lanka.
Sa ngayon ay nasa ilalim na ng kustodiya ng mga otoridad ang 13 suspek na hinihinalang konektado sa nasabing insidente.
Nagpaabot naman ng pakikidalamhati si New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern at nanawagan na sana ay panatilihin umano ang pagiging ligtas ng mga simbahan sa buong mundo.
Kung matatandaan, isang buwan na ang nakalilipas nang maganap ang terror attack sa Christchurch, New Zealand kung saan 50 katao ang namatay at 50 naman ang sugatan.