Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si New Zealand Prime Minister Christopher Luxon sa susunod na linggo.
Ito ay bahagi ng pagbisita ng PM sa 3 bansa sa Southeast Asia maliban sa PH, ay ang Singapore at Thailand kasama ang senior business delegation mula Abril 14 hanggang 20.
Layunin ng pagbisita ng NZ PM sa bansa na mapalalim pa ang international engagement sa PH.
Nakatakdang makipagkita rin ang opisyal kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para pag-ibayuhin pa ang halos 60 taong relasyon ng 2 bansa at target na magkaroon ng mas maraming oportunidad para sa mga negosyo ng NZ.
Ito naman ang kauna-unahang pagbisita ng New Zealand PM sa bansa sa makalipas ang 14 na taon.
Ayon kay PM Luzon, ang PH ang isa sa fastest growing economies sa rehiyon at inaasahang magiging top 20 sa global economy pagsapit ng 2050.
Samantala, sa kasalukuyan mayroong mahigit 100,000 Pilipino ang nasa New Zealand.