-- Advertisements --

Naka-isolate na ngayon si New Zealand Prime Minister Jacinda Arden matapos makasalamuha ang isang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa New Zealand government, posibleng nakuha nito ang exposure noong Enero 22 sa flight niya mula Kerikeri patungong Auckland.

Maging ang mga nakasama nito sa biyahe na sina Governor-General Dame Cindy Kiro at mga staff ay naka-isolate na rin.

Magtatapos ang isolation ng Arden sa Pebrero 1.

Magugunitang kinansela ng Prime Minister ang kasal nito dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.