Eksaktong alas-4:25 ng dumating sa Palasyo ng malakanyang si new Zealand Prime Minister Christopher Luxon.
Sinalubong ito ni Pangulong Ferdinand Marcos jr sa red carpet at binigyan ng arrival honors.
Isa- isang ipinakilala ni Pangulong Marcos kay Prime Minister Luxon ang mga miembro ng gabinete, gayundin naman ang ginawa ni Luxon sa mga kasama niyang mga opisyal.
Sumakay ang dalawang lider sa isang golf cart kung saan si Pangulong Marcos mismo ang nagmaneho sa red carpet patungo sa mismong palasyo ng Malakanyang.
Habang papalapit ay tumutugtog naman ang pangkat kawayan sa tapat ng entrance ng palasyo na silang pangkaraniwang pambungad na pang aliw sa sinumang heads of state na bumibisita sa bansa.
Ginawa din ang tradisyunal na pagpirma sa guest book ni Prime Minister Luxon, saka sila tumungo sa isang silid para sa maikling kwentuhan.
Kasalukuyang isinasagawa na ngayon ang bilateral meeting ng dalawang lider at inaasahang maglalabas mamaya ng joint statement pagkatapos.
Magkakaroon din ng state banquet ngayong gabi sa Palasyo para kay Prime Minister Luxon at sa kaniyang delegasyon.