-- Advertisements --

Itinigil na sa New Zealand ang kanilang taunang paligsahan para sa mga bata na paramihan ng mga mapapatay na mga pusang gala.

Ito ay matapos na makatanggap ang organizers ng pagkondina mula sa iba’t-ibang mga animal rights group.

Base kasi sa organizers na kanila ng tinanggal ang kategorya kung saan ang mga edad 14 pababa ay maghuhuli ng mga pusang gala.

Ang sinumang may pinakamaraming pusa na mahuli at mapatay mula Abril hanggang Hunyo a mayroong premyo na aabot sa $155.

Ang kumpetisyon ay taunang isinasagawa kung saan marami ang sumasali para sa paghahanap at pagpatay ng mga wild pigs, usa at mga kuneho.

Ayon sa North Canterbury Hunting Competition ang organizer ng nasabing event na kanila na itong tinatanggal.

Maraming mga residente ng lugar ang nalungkot dahil sa mayroong negatibong pinsalang dulot ang nasabing mga pusang gala.