-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pormal nang umupo nitong Lunes ang bagong alkalde ng Janiuay, Iloilo na pumalit sa nabakanteng posisyon ng nahalal na si Mayor Frankie Locsin.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Teodora Sumagaysay, director ng Department of Interior and Local Government (DILG) Iloilo, sinabi nito na ngayon ay opisyal na manunungkulan si Vice Mayor Ben Margarico bilang bagong alkalde ng Janiuay.

Ayon kay Sumagaysay, pinalitan ni Margarico si Mayor Locsin na hanggang ngayon ay nakahospital arrest matapos inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos ma convict sa kasong graft sa Sandiganbayan.

Sinabi ni Sumagaysay na papalit naman sa posisyon ni Margarico bilang vice mayor ng nasabing bayan si Coun. Felizardo Amigable.

Nilinaw ni Sumagaysay na kapag may permanent vacancy sa posisyon ng pagka-alkalde, automatic na papalitan ito ng bise alkalde.

Samantala,ang papalit naman sa nakabanteng posisyon ni Amigable ay magmumula sa kanilang partido dahil siya ang dahilan ng vacancy sa konseho sa nasabing bayan.