-- Advertisements --
Lt. Gen. Felimon Santos Jr
Lt. Gen. Felimon Santos Jr.

Kumpiyansa si newly-installed AFP chief-of- staff Lt. Gen. Felimon Santos Jr. na matatapos nila ang problema sa insurgency bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam kay Santos sinabi nito na kumpiyansa sila na makakamit nila ang kanilang misyon na tapusin ang problema sa insurgency.

Siniguro din ni Santos na ipagpapatuloy nila ang localized peacetalks laban sa mga communist insurgents sa iba’t- ibang probinsiya sa pakikipagtulungan ng mga local chief executives.

Bukod sa kampanya laban sa communist insurgeny, mananatili ding nasa proactive measure AFP para labanan ang teroristang grupo partikular ang Abu Sayyaf at mga ISIS-inspired groups.

Tiniyak din ni Santos ang kaniyang suporta sa kampanya ng gobyerno laban sa war on drugs sa pamamagitan ng pagbibigay suporta, pag-assists at makipag-cooperate sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at sa iba pang mga law enforcement agencies.

Si Santos ay nag-assumed bilang bagong AFP chief kahapon January 4,2020 na pinangunahan mismo ni Pang. Rodrigo Duterte.