Tiniyak ni newly-installed AFP chief of staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana na hindi magre-red tag sa mga indibidwal ang militar kapag walang sapat na ebidensiya laban sa mga ito.
Ayon kay Sobejana hindi binabantaan ng militar ang mga kababayan natin.
Natuto na kasi si Sobejana sa mga nakalipas na karanasan sa pag-red tag sa mga maling indibidwal.
Kaya binigyang diin ng bagong chief of staff na mahigpit silang tatalima sa karapatang pantao at maging sa international humanitarian law.
Pangako ni Sobejana, hindi na nila uulitin ang nakalipas na pagkakamali.
Aniya, mas magiging maingat ngayon ang AFP sa isyu ng red tagging kaya bago gumawa ng hakbang ay gagawa muna sila ng masusing deliberasyon.
Pagtitiyak pa ni Sobejana, sisikapin ng kanilang hanay na protektahan ang bansa at gampanang maigi ang kanilang mandato.
Matatandaan na umani ng batikos ang AFP partikular na sa mga estudyante dahil sa red tagging na ginagawa nito.
Nag-akusa rin sila na pugad umano ng recruitment ng New People’s Army ang ilang unibersidad.
Nito lamang ni red-tag ni Solcom chief Lt Gen. Antonio Parlade ang isang reporter na nagsulat kaugnay sa umanoy pag torture sa dalawang Aetas ng mga sundalo.
Ayon kay AFP spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo, may natanggap silang ganoong akusasyon subalit wala namang maipakitang ebidensiya ang mga nag-aakusa.
“The act that our soldiers are accused of is a serious allegation that is neither a policy nor a practice. As a matter of fact, AFP regulations mandate that we respect human rights and abide by the Law of Armed Conflict,” wika pa ni Arevalo.